Saturday, February 14, 2015

Bulakenyong Tagapagligtas!

Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang pagdinig at imbestigasyon sa Senado at Mababang Kapulungan ukol sa madugong bakbakang naganap sa pagitang ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong nakaraang Enero 25 sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Ang origihinal na misyon ng PNP-SAF ay arestuhin at hulihin ang mga high-ranking terrorists na nagkakanlong sa nasabing lugar subalit nauwi sa madugong labanan na ikinasawi ng 44 SAF commandos. Napatay sa engkwentro ang isa sa target ng operasyon na si Zulkifli Abdhir alyas Marwan. Pinagtibay at kinumpirma ng PNP at FBI ang pagkamatay ni Marwan dahil sa pagtugma at resulta ng DNA nito. Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap at tinutugis ng pwersa ng pamahalaan ang nakatakas na si Abdul Basit Usman.

Isa sa apatnapu't apat (44) na SAF commandos na napaslang sa Mamasapano ay isang Bulakenyo. Siya ay si PO3 JUNREL N. KIBETE. Isinilang sa Libtong, Lungsod ng Meycauayan, Bulacan at kasalukuyang naninirahan ang kanyang pamilya sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.

Muli na namang napatunayan na ang Bulacan ay bayan ng mga bayani. Ipinagmamalaki kayo ng sambayanang Pilipino at saludo po sa inyo ang mga mamamayan ng Lalawigan ng Bulacan dahil sa inyong ipinamalas na kabayanihan at kagitingan upang ipagtanggol ang ating bayan. Marapat lamang na itanghal at handugan ng pagpupugay ang mga bagong bayani.

Ikinararangal ka ng liping Bulakenyo, PO3 JUNREL N. KIBETE!


No comments :

Post a Comment